Miyerkules, Hulyo 30, 2008

Shining Fame, pang FC nga lang ba kay Don Enrico?

Base sa huling laban ni Shining Fame, ito ay nagtala ng 1:33.8 sa distansyang 1500M at nagkaron ng huling quarter clocking na 26. Tila magiging malakas na kontender ang kabayong ito sa darating na Linggo sa 3rd Leg ng Triple Crown. Kumpara po sa itinakbo ni Indelible Ink sa 1450M na nagtyempo ng 1:30 at nagkaroon ng huling kwarto na 28 segundo, di hamak na mayroon pang ilalabas ang Shining Fame.

Shining Fame nga ba ang pang FC lang kay Don Enrico?

Ang lahat po na inilalahad ko dito ay pawang mga tunay na datos galing sa kanilang huling tune-up races.

SI Don Enrico ay naorasan ng 1:31.6 sa distansyang 1500M at nagtapos sa 25 segundo sa huling 400M. Ibig sabihin ay si hamak na malakas pa ito at marami pang ibubuga kumpara kay Indelible Ink at Shining Fame. Dahil din po dito ay tyak na maliliyamado ito sa Linggo.

Ito ay akin lamang pag-aanalisa sa datos ng bawat kabayo. Kayo na po ang humusga kung sino ang tatayaan nyo at sino ang isisigaw nyo sa Linggo

Source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=2061.msg9095#msg9095

Walang komento: