Linggo, Hulyo 27, 2008

UKKK: Jonathan B. Hernandez kay Indelible Ink

Sulat ni NIHAWMA
source:
http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=1668.msg6785#msg6785

Isa na dapat ikunsidera ng mga karerista ay ang pagpapalit ng hinete. Oo nga siguradong sigurado na si Unoh na ang sasakay kay Ink. Tutoo na bumalik na si Unoh sa kuwadra ni Hermie.

Bago pa po ba sa inyo ang ganitong style na kada matatalo ang isang kabayo ay may pagpapalit sa hinete. Si Real Spicy ang talagang orihinal na hinete ay si Pati, tapos pinalitan ni Oyet, hindi nakuntento ay ibinigay kay Je Guce, hindi pa rin nakuntento ay ikinambyo kay Louie Balboa hindi pa rin nakuntento ay inilipat bigla kay Jeff Zarate.

Pero ito ang dapat malaman niyo na kapag ineensayo ng isang hinete ang isang kabayo LALONG LALO na kung panlaban ay tiyak na siya ang sasakay.

Kay Unoh. Makakaharap niya ang kabayong natalo sa kanyang mga kamay. Nagkambyo si Don Enrico at ibinalik kay Alvin. Ngayon si Ink ay rerendahan niya. Malaking adjustment ang gagawin niya pati na ang mga koneksyon nito. Hindi na rin bago ito dahil ekperyensyado si Rolly Rojas.

Bakit natalo si Don Enrico ay may kinalaman sa hinete? Hindi pa nagamayan at walang tune-up sa kanyang mga kamay. Kaya ngayon si Tinta ay may tune-up na isang liksyon. Matalino ang handlers ni Tinta kaya asahan natin na mas lalong magiging maganda ang bakbakan. Liban na lamang kung may rabbit na naman.

Walang komento: