Linggo, Hulyo 27, 2008

KArchives: Programa Nuon at Ngayon

SALAMAT AT MALAKING BAGAY ITO PARA SA MGA BAGUHAN PA LAMANG SA KARERA. Mas mainam siguro kong BUONG programa ang iyong naipakita para sa kaalaman ng iba nating kasama.

Kung sasagutin ko itong katanungan mo ay para ko ng inaamin na ako ay may edad na. Samantalang, itong si Jolina at Juday ay kuya ang tawag sa akin.

Sabi ko na nga ba na darating sa punto na talagang hanggang sa sinauna ang inyong mga itatanong. Wala pong problema. Alam niyo naman.

Tama yan programa na iyan na nuong araw ang halaga ng dividendazo ay 0.25 sentimos LAMANG. Dadalawa lamang ang programa nuong araw. Dividendazo at Nueva Era. Nang nawala ang Nueva Era biglang sumulpot ang programang Lucky Choice.

Kung inyo pong pagmamasdan ang programa nuon TANGING ESTRELYA LAMANG ang mga nakalagay.

Walang ibang mahalagang impormasyon ang nakalagay na makakatulong sa isang karerista. PERO yan estrelya na iyan ay mapagkakatiwalaan.

Nasaan ang karera tip? Ang karera tip O KT nuong araw ay nakabukod. Ito ay nakalagay sa isang maliit na sobre na kakulay ng isang brown envelop na mabibili. Kasing laki lamang ng Ampao (na ginagamit tuwing pasko).

Wala naman pinagbago. Mr. Blue, Mr. White at si Mr. Yellow.

Tip.. hindi po mahirap kumuha..Ultimong ang handicapper ng San Lazaro na si Mang Met de la Cruz ang aking pinupuntahan. Ang mga mag-kapatid na si Mang Maning at Mang Romy Henson (mga trainer po sila)ay magagaling mag-tip. Pati na ang kapatid ng nasirang hinete na si jockey Torno. Tiyempista po kasi siya. Kapatid ni Philipp Falcon na si Erning Falcon (Erning kamusta ka na pala) ay magaling mag-tip. Si Totoy Spyker (ewan ko lang kung narinig niyo na siya). Kung sa Sta Ana naman ay si Mang Jaime.

Sabihin ko po sa inyo. Ito po kasi ang aking pinagkakakitahan nuong araw. Bibili po ako ng maraming programa at aking ibebenta NA MAY TIP PO NILA. Presyong kaibigan. Kaya kapag araw po ng karera ay kami po ang puntahan. Gagawa ako ng isang kapirasong papel na nakalagay ang tip nila. Talagang tip na wala pong binabago. Hindi po kasi uso nuon ang panluluwang. Mahirap po kasi gumamit ng pangalan ng ibang tao.

Sayang kung alam ko lamang na hahantung sa ganito ay hindi ko sana itinapon ang mga lumang programa pati na ang KT.

Magandang pag-usapan ito.....at ating sariwain unti unti..

Iba ang ginagamit na unit of measurement nuong araw. Nagsimula sa pounds hanggang sa pinalitan ito ng kilograms.

Ang ginagamit na pangalan ng hinete nuong araw ay kundi first name o family name.

Siguro jazelle...mas mainam kung mai-attach mo (PLEASE) ang bagong programa para maikumpara ng mga mambabasa. Sa ganitong paraan ay mas lalong magiging mas makabuluhan ang paksa.

SA SAN LAZARO HIPPODROME ANG KARERA NITO

Race 1 - Grupo 11 (isa sa pinakamataas na grupo nuong araw, nagsama sama ang lahat na laging nanalo)

Ang distansyang 15/16 ay 1,500 meters na ngayon.

Uso pa ang nakasuksok ang latigo.

SUN GOD....sole sa puhunan ang PLACE..P4 sa win. Tumama ako sa deretcha nito. Wala kasing maniwala na talagang magaling si Sun God.
Katatakbo pa lamang niya sa Sweepstakes at tinalo siya ni Crown Jewel.

1. Lady Idonnah. Kabayo ni Atty Cruz at kakuwadra ni Funny Girl. Si jockey Constantino ang isa sa pinakamatangkad na hinete nuong araw. Katulad din ni jockey Pedy (Catajan)
2. Great Gamble (kina Jalandoni) kakuwadra ni Big Gamble. Si jockey Johnson ay anak ni Mang Pepe Saulog. Si jockey Roden (anak ni mang ben) ang sumasakay sa kanila as regular rider.
3. SUN GOD..Ito ang nanalo rito. Malayong malayo. Tandang tanda ko ito dahil dito pinakita ni Jec kung paano siya giniginaw sa ibabaw ng kabayo. Ika nga puro pitik pitik lang sa may paypay ng kabayo. SUN GOD...pulling away. Kabayo ito ni Don Pedro Cojuangco na kung saan duon ako nanunuod ng karera.
4. Citrus Wonder. Kabayo ni Mayor Dimacuha. Hawak ni Ka pitong (tatay nila Ruben, Ute at David Clor) Talaga hanggang sa kasalukuyan ay ganun pa rin ang pagtitiwala ni Mayor Dimacuha sa mga Clor. Si Pedro Sanchez (Maton kung tawagin) ay trainer niya. Si jockey Arcega (Andy) ay kapatid ni Ernie Ventura.
5. Gigolo Joe (ng mga Reyes) laging hugando kung manalo PERO mas doble siya sa Sta Ana. Jockey Pablito Guce (Abong, tatay ni Monching at Ebot).
6. Red Gown. Kabayo ito ni Don Augusto Santos. Minsan pa na nakakawala sa San Lazaro at nagtatatakbo sa Felix Huertas ay nahirapan silang hulihin. jockey Santos regular rider nila. Walang kaugnayan dito si Lord (LI Santos) at Eric (VA Santos).

Trivia

Nakakita na ba kayo ng hineteng nagsusuklay habang nasa ibabaw ng kabayo na tumatakbo?

Iyan ang kabayong ipinanalo ni jockey Victor. Rumerekta. Malakas ang remate. Tapat ng 15/16..hindi latigo ang binunot KUNDI SUKLAY. Bago dumating ng meta, imbis na magpaikot ng latigo ay NAGSUSUKLAY SA IBABAW NG KABAYONG RED GOWN. Dalawang beses niya ginawa ito.


7. Jubilee (kabayo ni Atty Federico Moreno) sunod sunod ang panalo nito. Halos sumagad na nga sa grupo. Kung baga sa ngayon ay siya si Chariot of Fire. Jockey Peping..star jockey nila Moreno. Kakuwadra niya si Perfidia at Do Re MI.
8. Ring D Bell - dehadista na katulad ni Iron Hand ngayon, mahilig sa dehado. jockey Armando (kapatid ni jockey Cartasano) Kakuwadra niya si Live and Learn.
9. My Happiness - kakuwadra ni Goldwyn II si jockey Nonie (anak ni jockey Eugenio) na bihirang sumakay. Kung sa apprentice siya si jockey CH Vicente. Minsan magpapanalo ay dehado pa.
10. Warning Light - kabayo ni Reyes (naaalala pa ba ninyo yung pelotaryo na si Gary, sa kanila iyan) Kakuwadra si Salatan at Batingao. Si jockey Francisco (mang boy) tatay ni Gilbert.
11. Rodmanric -Isang banderistang kabayo. Si jockey Gil (hindi si RP Gil)ang laging sumasakay dito. Dahil nagpapababa ay pinasakyan kay jockey Senido.
12. Mr. Player - isang morong kabayo. Siya ang isa sa pinakamalaking kabayo nuong araw. Sumunod siya kay Stone Wall (DCID). Kakuwadra ni Ilocos King (Rubio). Kung makabandera ay parang si Sacred Hall at kung abutin ay sa blackboard na lang. jockey Domingo (hindi ito si Boboc) siya ang isa sa mga regular rider bukod kay jockey Crisencio.
13. Singing Victory - sa Tajonera stable. Bago sa takbuhang ito ay ipinanalo ni Jec AT...paglagpas ng meta ay nahulog si Jec. jockey Eulogio (mang ulo) tatay ni jockey Jesus.
14. Faithful Queen - Halos sumagad ng dahil nagpapanalo pero sakay na si jockey Rocafor. Mabigat na ang laban ay nahuli pa rin ng mga stewards. Binigyan ng warning.

Kung inyo pong maitatanong. Ang kabayo na Sta Ana nuong araw ay parating tumatakbo sa San Lazaro. Hindi kasi katulad ngayon na bilang na bilang lang ang tumatakbo na taga Sta Ana sa pista ng San Lazaro.

Malakas ang grupong ito. Lahat ng kabayo ay nagpapanalo KAYA LANG maganda sana ang magiging labanan KUNG wala si Sun God.

source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=1926.0

1 komento:

Unknown ayon kay ...

1-ang kabayong short circuit ang unang kabayong ipinanalo ni jockey jesus sa san ana race
track dehadong dehado.
2-kabayong rhumba dibandiresta malayong malayo iwanan ang mga kalaban at sa homestretch na
lang kung abutan.
3-kabayong real do sakay ni jockey bahala kung bumandira akala mo siya na ang mananalo.
4-Kabayong bulosok sakay ni jockey verano kung tawagin na lang sa meta at madalas na photo
finish.
5-kabayong vilmas pet na pag-aari ni chiquito na siya mismo ang sumakay liyamado at naipanalo
niya sa pista ng sta. ana na hugando ang pagkapanalo.