Miyerkules, Hulyo 30, 2008

Shining Fame, pang FC nga lang ba kay Don Enrico?

Base sa huling laban ni Shining Fame, ito ay nagtala ng 1:33.8 sa distansyang 1500M at nagkaron ng huling quarter clocking na 26. Tila magiging malakas na kontender ang kabayong ito sa darating na Linggo sa 3rd Leg ng Triple Crown. Kumpara po sa itinakbo ni Indelible Ink sa 1450M na nagtyempo ng 1:30 at nagkaroon ng huling kwarto na 28 segundo, di hamak na mayroon pang ilalabas ang Shining Fame.

Shining Fame nga ba ang pang FC lang kay Don Enrico?

Ang lahat po na inilalahad ko dito ay pawang mga tunay na datos galing sa kanilang huling tune-up races.

SI Don Enrico ay naorasan ng 1:31.6 sa distansyang 1500M at nagtapos sa 25 segundo sa huling 400M. Ibig sabihin ay si hamak na malakas pa ito at marami pang ibubuga kumpara kay Indelible Ink at Shining Fame. Dahil din po dito ay tyak na maliliyamado ito sa Linggo.

Ito ay akin lamang pag-aanalisa sa datos ng bawat kabayo. Kayo na po ang humusga kung sino ang tatayaan nyo at sino ang isisigaw nyo sa Linggo

Source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=2061.msg9095#msg9095

Lunes, Hulyo 28, 2008

Thick Face of The Day: Mr. Ruben Tupas

mr. tupas, you are the thick face of the day. bakit? ni hindi mo man lang prinotektahan ang hinete mo sa amo mong si mr. tony de ubago. hinayaan mo syang ma out ng wala ka man lang dipensa para sa hinete mo na alam mo naman na hindi sinasadyang itimbang ang tinatago nyong pruweba ng kabayo nyo at basta pinabayaan mo nalang sya ma out ng di ka man lang nagsalita para sa kanya. kawawang bata, ni hindi nya nalaman na out na pala sya pinag trangko nyo pa ng walang bayad hangang linggo sabay out sa kanya, wawa naman po sya. konting proteksyon naman po wag lagi hugas kamay. and for that ikaw ang thick face of the day, pwe ka!

Source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=2005.msg8807#msg8807

Linggo, Hulyo 27, 2008

KVid: Resulta sa Karera, Linggo July 27, 2008

UKKK: Nagalit si Paking kasi... "kung ano ang di mo gusto wag gawin sa iba"

The owner of BAHRAIN was at rage when his horse lost in the 12th race tonight at SLLP. a protest was brought by his jockey obet yambao to the racing stewards but to no avail. while another horseowner in the adjacent box was heard saying "kung ano ang di mo gusto wag gawin sa iba" while laughing is not foul, is it my friends?
the scenario, BINUKAHAN ng winning horse and its jockey jt zarate(ika nga ni greg raborar and company sa nangyari, kasama na daw po sa gulang ang bumuka when you feel na paubos na ang mount mo so its only natural sa hinete) si BAHRAIN in the last few meters of the race... kung hindi sana nabukahan e siguradong lalampas si kabayo e. let's just say na NAGULANGAN ng eventual winner na si ravishing raffy si bahrain...

that means only one thing ika nga po ng katabi kong trainer dito saying, "pati pala ang magugulang nagugulangan din kung minsan ano?"..... my free advise to the real owner(sir NIHAWMA back me up on this, kasi i read your topic regarding panloloko sa betting public eh),

since you bought the horse already to the original owner which was mr. toti cariƱo a year or so, maybe you should change the ownership to your name na din po also... at baka po mag turn ang tide at mapaboran naman po kayo ng tadhana sa susunod. anyway, you chose na ilaban naman po ung horse nyo sa 13th race so regards to blue sheikh. no offense to you or to anyone, let's protect the racing public not fool them. peace.

source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=1988.msg8672#msg8672

KVid: Trangko ni ES TWENTY SIX

KVid: Trangko ni Don Enrico



Handa na nga bang manalo si Don Enrico para sa 3rd Leg ng Tripple Crown?

Editorial: Ang pinakamahalagang kayamanan

source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=1977.msg8613#msg8613

Maraming mahahalagang bagay o kayamanan sa buhay ang mga tao. Maaaring ito ay salapi, katanyagan, pangalan at kung anu-ano pa. Ipokrita tayo kung sasabihin na­ting hindi mahalaga ang mga ito. Ngunit, sa labis nating pagpapaha­laga sa mga bagay na ito ay nakakaligtaan na natin ang pinakamahalagang kayamanan na dapat na­ting matamo, ang Kaharian ng Diyos - ang ating kaligtasan, ang buhay na walang hanggan.

Sa ating Ebanghelyo sa Linggong ito, ang Kaharian ng Langit ay inihalintulad ni Jesus una sa isang nakatagong kayamanan sa bukid. Nang makita ito ng isang matalinong tao, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon. Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay pagkakaroon ng kaligtasan, ng buhay na walang hanggan.

Ang paghahari ng Diyos ay tulad din nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng isang mamahaling perlas. Nang makakita siya ng isang napakahalagang perlas, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon. Itinuturo rito ni Jesus na ang kaharian ng langit ay higit na mahalaga kaysa anumang bagay na ating pinahahalagahan. Maraming bagay o biyaya ang maaari nating makamtan dito sa mundo, ngunit si Kristo lamang ang makapagbibigay sa tao ng pinakamahalagang biyaya - ang kaligtasan, ang buhay na walang hanggan. Maraming uri ng perlas, ngunit ang pinakamahalagang perlas ay na kay Kristo, sapagkat si Kristo mismo ang perlas na iyon.

Ang kaharian ng Diyos ay inihalintulad din ni Jesus sa isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-sa­ring isda. Nang mapuno ito ay hinila sa pampang. Doon ay pinagbukod-bukod ang mga isda. Ang magagandang klase ay inilagay sa lalagyan, habang ang mga walang kwenta ay itinapon.

Ang lambat ay inihagis ni Kristo at ng mga alagad sa dagat (daigdig). Mabubuti at masasamang isda ang kanilang nahuli. Ngunit sa araw ng paghuhukom, sa ka­tapusan ng mundo, ihihiwalay ang mabubuti sa masasama. Ang masasama ay ihahagis na nagngangalit na apoy habang ang mabubuti ay makakasama ng Diyos sa Kanyang kaharian.

Anuman ang ating mga pinagkakaabalahan o pinahahalagahan at itinuturing na mga kayamanan sa ating buhay, huwag sana nating kalilimutang may higit na mahalagang kayamanan na dapat nating pagsumikapang matamo. Ito ang pinakamahalagang kayamanan sa lahat -ang mabuti nating relasyon sa Diyos, ang ating kaligtasan, ang buhay na walang hanggan.

News@FHV: Don Enrico Feat. at FHV LOGO

UKKK: ES TWENTY SIX - BALIK PISTA NA!


Balik pista na ulit si ES TWENTY SIX, nakatakdang tumakbo si Es Twenty Six ngayong linggo sa pista ng San Lazaro distansyang 1500 meters SUPERTOBO (C4-D1AB) makakalabn naman nya sila Hurry up, Southern Warrior, Security Queen / Storm Hall * , Euphoria at Wind Shore Lady. Tiyak naman na tatabo ito ng benta para sa Pick Six, Winner Take All at Pick Five players.. WAG NANG KONTRAHIN

KVID: Araw ng mga DEHADO

KVID: Copper Dew Nagtrangko Lang

Editorial: Sona na naman, Ilang palakpak, ilang pangako

Ano na naman ang ating aasahan? Pangako? Ilan ba sa mga pangako ang natupad? Ano kaya ang bago? Trabaho, bigas, presyo ng mga bilihin, kagutuman, kalye, kuryente, edukasyon, petrolyo. May makinig kaya? Kasi lagi na lang ganun. Umaasa ka na wala naman inaasahan. Sus mariano ka inggo. San Lazaro,Santa Ana, San Miguel, Santa Lucia.

Ilang palakpak kaya ang ating maririnig?

KArchives: Programa Nuon at Ngayon

SALAMAT AT MALAKING BAGAY ITO PARA SA MGA BAGUHAN PA LAMANG SA KARERA. Mas mainam siguro kong BUONG programa ang iyong naipakita para sa kaalaman ng iba nating kasama.

Kung sasagutin ko itong katanungan mo ay para ko ng inaamin na ako ay may edad na. Samantalang, itong si Jolina at Juday ay kuya ang tawag sa akin.

Sabi ko na nga ba na darating sa punto na talagang hanggang sa sinauna ang inyong mga itatanong. Wala pong problema. Alam niyo naman.

Tama yan programa na iyan na nuong araw ang halaga ng dividendazo ay 0.25 sentimos LAMANG. Dadalawa lamang ang programa nuong araw. Dividendazo at Nueva Era. Nang nawala ang Nueva Era biglang sumulpot ang programang Lucky Choice.

Kung inyo pong pagmamasdan ang programa nuon TANGING ESTRELYA LAMANG ang mga nakalagay.

Walang ibang mahalagang impormasyon ang nakalagay na makakatulong sa isang karerista. PERO yan estrelya na iyan ay mapagkakatiwalaan.

Nasaan ang karera tip? Ang karera tip O KT nuong araw ay nakabukod. Ito ay nakalagay sa isang maliit na sobre na kakulay ng isang brown envelop na mabibili. Kasing laki lamang ng Ampao (na ginagamit tuwing pasko).

Wala naman pinagbago. Mr. Blue, Mr. White at si Mr. Yellow.

Tip.. hindi po mahirap kumuha..Ultimong ang handicapper ng San Lazaro na si Mang Met de la Cruz ang aking pinupuntahan. Ang mga mag-kapatid na si Mang Maning at Mang Romy Henson (mga trainer po sila)ay magagaling mag-tip. Pati na ang kapatid ng nasirang hinete na si jockey Torno. Tiyempista po kasi siya. Kapatid ni Philipp Falcon na si Erning Falcon (Erning kamusta ka na pala) ay magaling mag-tip. Si Totoy Spyker (ewan ko lang kung narinig niyo na siya). Kung sa Sta Ana naman ay si Mang Jaime.

Sabihin ko po sa inyo. Ito po kasi ang aking pinagkakakitahan nuong araw. Bibili po ako ng maraming programa at aking ibebenta NA MAY TIP PO NILA. Presyong kaibigan. Kaya kapag araw po ng karera ay kami po ang puntahan. Gagawa ako ng isang kapirasong papel na nakalagay ang tip nila. Talagang tip na wala pong binabago. Hindi po kasi uso nuon ang panluluwang. Mahirap po kasi gumamit ng pangalan ng ibang tao.

Sayang kung alam ko lamang na hahantung sa ganito ay hindi ko sana itinapon ang mga lumang programa pati na ang KT.

Magandang pag-usapan ito.....at ating sariwain unti unti..

Iba ang ginagamit na unit of measurement nuong araw. Nagsimula sa pounds hanggang sa pinalitan ito ng kilograms.

Ang ginagamit na pangalan ng hinete nuong araw ay kundi first name o family name.

Siguro jazelle...mas mainam kung mai-attach mo (PLEASE) ang bagong programa para maikumpara ng mga mambabasa. Sa ganitong paraan ay mas lalong magiging mas makabuluhan ang paksa.

SA SAN LAZARO HIPPODROME ANG KARERA NITO

Race 1 - Grupo 11 (isa sa pinakamataas na grupo nuong araw, nagsama sama ang lahat na laging nanalo)

Ang distansyang 15/16 ay 1,500 meters na ngayon.

Uso pa ang nakasuksok ang latigo.

SUN GOD....sole sa puhunan ang PLACE..P4 sa win. Tumama ako sa deretcha nito. Wala kasing maniwala na talagang magaling si Sun God.
Katatakbo pa lamang niya sa Sweepstakes at tinalo siya ni Crown Jewel.

1. Lady Idonnah. Kabayo ni Atty Cruz at kakuwadra ni Funny Girl. Si jockey Constantino ang isa sa pinakamatangkad na hinete nuong araw. Katulad din ni jockey Pedy (Catajan)
2. Great Gamble (kina Jalandoni) kakuwadra ni Big Gamble. Si jockey Johnson ay anak ni Mang Pepe Saulog. Si jockey Roden (anak ni mang ben) ang sumasakay sa kanila as regular rider.
3. SUN GOD..Ito ang nanalo rito. Malayong malayo. Tandang tanda ko ito dahil dito pinakita ni Jec kung paano siya giniginaw sa ibabaw ng kabayo. Ika nga puro pitik pitik lang sa may paypay ng kabayo. SUN GOD...pulling away. Kabayo ito ni Don Pedro Cojuangco na kung saan duon ako nanunuod ng karera.
4. Citrus Wonder. Kabayo ni Mayor Dimacuha. Hawak ni Ka pitong (tatay nila Ruben, Ute at David Clor) Talaga hanggang sa kasalukuyan ay ganun pa rin ang pagtitiwala ni Mayor Dimacuha sa mga Clor. Si Pedro Sanchez (Maton kung tawagin) ay trainer niya. Si jockey Arcega (Andy) ay kapatid ni Ernie Ventura.
5. Gigolo Joe (ng mga Reyes) laging hugando kung manalo PERO mas doble siya sa Sta Ana. Jockey Pablito Guce (Abong, tatay ni Monching at Ebot).
6. Red Gown. Kabayo ito ni Don Augusto Santos. Minsan pa na nakakawala sa San Lazaro at nagtatatakbo sa Felix Huertas ay nahirapan silang hulihin. jockey Santos regular rider nila. Walang kaugnayan dito si Lord (LI Santos) at Eric (VA Santos).

Trivia

Nakakita na ba kayo ng hineteng nagsusuklay habang nasa ibabaw ng kabayo na tumatakbo?

Iyan ang kabayong ipinanalo ni jockey Victor. Rumerekta. Malakas ang remate. Tapat ng 15/16..hindi latigo ang binunot KUNDI SUKLAY. Bago dumating ng meta, imbis na magpaikot ng latigo ay NAGSUSUKLAY SA IBABAW NG KABAYONG RED GOWN. Dalawang beses niya ginawa ito.


7. Jubilee (kabayo ni Atty Federico Moreno) sunod sunod ang panalo nito. Halos sumagad na nga sa grupo. Kung baga sa ngayon ay siya si Chariot of Fire. Jockey Peping..star jockey nila Moreno. Kakuwadra niya si Perfidia at Do Re MI.
8. Ring D Bell - dehadista na katulad ni Iron Hand ngayon, mahilig sa dehado. jockey Armando (kapatid ni jockey Cartasano) Kakuwadra niya si Live and Learn.
9. My Happiness - kakuwadra ni Goldwyn II si jockey Nonie (anak ni jockey Eugenio) na bihirang sumakay. Kung sa apprentice siya si jockey CH Vicente. Minsan magpapanalo ay dehado pa.
10. Warning Light - kabayo ni Reyes (naaalala pa ba ninyo yung pelotaryo na si Gary, sa kanila iyan) Kakuwadra si Salatan at Batingao. Si jockey Francisco (mang boy) tatay ni Gilbert.
11. Rodmanric -Isang banderistang kabayo. Si jockey Gil (hindi si RP Gil)ang laging sumasakay dito. Dahil nagpapababa ay pinasakyan kay jockey Senido.
12. Mr. Player - isang morong kabayo. Siya ang isa sa pinakamalaking kabayo nuong araw. Sumunod siya kay Stone Wall (DCID). Kakuwadra ni Ilocos King (Rubio). Kung makabandera ay parang si Sacred Hall at kung abutin ay sa blackboard na lang. jockey Domingo (hindi ito si Boboc) siya ang isa sa mga regular rider bukod kay jockey Crisencio.
13. Singing Victory - sa Tajonera stable. Bago sa takbuhang ito ay ipinanalo ni Jec AT...paglagpas ng meta ay nahulog si Jec. jockey Eulogio (mang ulo) tatay ni jockey Jesus.
14. Faithful Queen - Halos sumagad ng dahil nagpapanalo pero sakay na si jockey Rocafor. Mabigat na ang laban ay nahuli pa rin ng mga stewards. Binigyan ng warning.

Kung inyo pong maitatanong. Ang kabayo na Sta Ana nuong araw ay parating tumatakbo sa San Lazaro. Hindi kasi katulad ngayon na bilang na bilang lang ang tumatakbo na taga Sta Ana sa pista ng San Lazaro.

Malakas ang grupong ito. Lahat ng kabayo ay nagpapanalo KAYA LANG maganda sana ang magiging labanan KUNG wala si Sun God.

source: http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=1926.0

UKKK: Jonathan B. Hernandez kay Indelible Ink

Sulat ni NIHAWMA
source:
http://www.filipinohorsevelocity.com/community/index.php?topic=1668.msg6785#msg6785

Isa na dapat ikunsidera ng mga karerista ay ang pagpapalit ng hinete. Oo nga siguradong sigurado na si Unoh na ang sasakay kay Ink. Tutoo na bumalik na si Unoh sa kuwadra ni Hermie.

Bago pa po ba sa inyo ang ganitong style na kada matatalo ang isang kabayo ay may pagpapalit sa hinete. Si Real Spicy ang talagang orihinal na hinete ay si Pati, tapos pinalitan ni Oyet, hindi nakuntento ay ibinigay kay Je Guce, hindi pa rin nakuntento ay ikinambyo kay Louie Balboa hindi pa rin nakuntento ay inilipat bigla kay Jeff Zarate.

Pero ito ang dapat malaman niyo na kapag ineensayo ng isang hinete ang isang kabayo LALONG LALO na kung panlaban ay tiyak na siya ang sasakay.

Kay Unoh. Makakaharap niya ang kabayong natalo sa kanyang mga kamay. Nagkambyo si Don Enrico at ibinalik kay Alvin. Ngayon si Ink ay rerendahan niya. Malaking adjustment ang gagawin niya pati na ang mga koneksyon nito. Hindi na rin bago ito dahil ekperyensyado si Rolly Rojas.

Bakit natalo si Don Enrico ay may kinalaman sa hinete? Hindi pa nagamayan at walang tune-up sa kanyang mga kamay. Kaya ngayon si Tinta ay may tune-up na isang liksyon. Matalino ang handlers ni Tinta kaya asahan natin na mas lalong magiging maganda ang bakbakan. Liban na lamang kung may rabbit na naman.

Sabado, Hulyo 26, 2008

The New Filipino Horse Velocity

The New Filipino Horse Velocity

Yet another karerista website

by Admin Jazellerae

Newest and MOST Complete Cyber Interactive Website of Philippine Horse Racing. Dedicated to all Filipino’s in the country, most especially to our NEW HEROES, Overseas Filipino Workers around the World! Features Pack with Racing Program (Dividendazo), Live Karera Video Streamings, Race Results, Race Replays in ONE Website… ALL IN ONE HORSE RACING WEBSITE. Basta karerista ka! Welcome ka sa FHV Community, BAGONG WEBSITE, BAGONG KAIBIGAN, BAGONG SAMAHAN! Register our FORUMS and meet new friends, share and discuss topics! Get Connected now!

Mission, Vision and Values

THE FHV MISSION


To provide horse racing related issues, events, activities, and opportunities whether here and abroad and to give each and every racing enthusiast the chance to enjoy the sports.

To protect the lifestyle and to let everyone be aware about being a responsible racing enthusiast.

To offer services for free by providing valuable information in horse racing and non horse racing related issues.

To entertain each and every racing enthusiast that provide fun, camaraderie, learning and sharing.

To become more confident about the sport and to feel the thrill and excitement.

THE FHV VISION

As horse racing enthusiast, the Filipino Horse Velocity must take pride in welcoming everyone whether here in the Philippines and abroad. It will also help the development of horse racing. Investors, like the foreigners are not only trying to familiarize themselves regarding the culture and traditions of the Filipinos but more so, they are considering the Philippines as a good investment of this sport. The development of this electronic media, which is the internet, and especially this website the Filipino Horse Velocity, is now becoming to be the highway of each horse racing enthusiast.

With this kind of service and facilities, the Filipino Horse Velocity’s intention is to promote Philippine horse racing and breeding industry. It also help increase the confidence of the private and public sectors and most especially the future local and foreign investors and other interested parties who would like to be involve in the horse racing industry. WE BELIEVE, that our country, the Philippines has the potential of one the world’s best horse racing venue and will also be a source of revenue and livelihood for many of our fellow countrymen.

The Filipino Horse Velocity supports the Philippine horse racing and breeding industry because we are a lover of this sport, the “Sport of Kings”.

THE FHV VALUES

ETHICS….To be able to maintain the highest level of integrity and expectations.

EXCELLENCE…To exceed our goal through commitment.

TEAMWORK….To achieve positive and exceptional results through collective efforts.

LEADERSHIP….To set the standard by which it will be measured

And the most important value which FHV would like to always keep in mind is UNITY, DISCIPLINE and THE PASSION OF THE SPORT.

The Filipino Horse Velocity Team

jazelle_rae (Web Master, Administrator), rchard21 (Administrator, vifer (Administrator), robby (Global Moderator), DaveFH (Global Moderator), mmsaure (Global Moderator), unbreakable (Global Moderator), NIHAWMA (Global Moderator), kooko (Pinoy Cook Board Moderator), speculator (Race Results Board Moderator), 3stars (Racing in Abroad Board Moderator), dehadista (Jokes Only Board Moderator), pickmetofly and angel_eunice (Racing Tips and Analysis Board Moderator)

Reach Us

e-mail: fhv@filipinohorsevelocity.com • jazelle_rae@yahoo.com

Mobile: (0921) 29 - 700 - 27 - Jazz